Ano nga ba ang pinagkaiba ng mainstream movies sa mga Independent films?.
Tayo ay magbalik tanaw sa mga nasabi sa
naganap na Cinemalaya Congress. Mahalaga pa ba ang Indie films makalipas ang
pito hanggang walong taon? Ito ang mga katanungang naglalaro sa ating mga
isipan.
Sa paglipas ng panahon, masasabi kong unti-unti ng nasasakop ng mainstream
ang mga Independent films. Wala naman akong masamang pagtingin sa mainstream
sinasabi ko lang ang mga bagay na aking napupuna. Noon, hindi kilala o sikat
ang mga karakter na gumaganap sa mga malalayang pelikula at maging ang mga
direktor. Marami ang mas nabibigyan ng
oportunidad na maipakita ang kanilang husay sa pag-arte o talento sa pagdidirek
sa isang pelikula, ngunit ano na ba ang lagay sa kasalukuyan? Unti-unti at
dahan-dahang pumapasok ang mga malalaking pangalan ng showbiz sa mga
independent films kaya minsan naitanong ko sa aking sarili na kung nararapat pa
ba itong tawaging independent film dahil lumalakas na ang imlpuwensya ng mga
mainstream dito. Nakakalungkot isipin na ito ay nangyayari ngunit ito ang
katotohanan.
Kung ako ang tatanungin na matapos ang 7 hanggang walong taon mahalaga pa
rin ba ang mga independent films, ang aking isasagot ay walang patumanggang OO.
naniniwala ako na napakahalaga ng papel ng independent films sa pagunlad ng
industriya ng pelikulang Pilipino. May mga bagay na bawal ipakita sa mainstream
ngunit sa pagkakaron ng Indie films ay mas nailalahad o mas napapakita ang
tunay na kalagayan ng ating bansa sa panahon ngayon. Ito rin ay sumasalamin sa
tunay na buhay ng mga tao kung kaya ay mas maraming tao ang nakakarelate o
naihahambing ang kanilang mga sarili sa mga taong nagsisispagganap. Gaya nga ng
nasabi sa congress na aking napuntahan araw araw may ipinapanganak na magagaling
at mahuhusay na direktor, artista kaya ako ay naniniwala na kahit ilan pang
unos at pagsubok ang haharapin ng mga ito naniniwala pa din akong mas
magtatagal at mas dudumugin pa ang mga Independent films.
Bilang isang tao at Pilipino na may pagmamahal sa industriya ng pelikula
ako ay patuloy pa rin na susuporta sa mga susunod pang panaahon dahil
sumasang-ayon ako na hindi kelangan ng label o ng katawagan tulad na lamang ng
mainstream o indie dahil iisa lang naman ang ating lahi, iisa lang din ang
ating minimithi ito ay walang iba kundi mapagtibay ang pelikulang Pilipino. Hindi magkaaway ang dalawa at hindi dapat
pinagsasabong sapagkat tayo ay Pilipino ang mga pelikulang ito maging
Mainstream man o Indie ay iisa lang ang lahi ng mga gumawa at nagsisiganap sabi
nga sa forum hindi sila magkaaaway ang kaaway ay sina Batman, Harry Potter,
Spiderman madaling salita ang mga Foreign movies na mas sinusuportahan pa ng
mga Pilipino kumpara sa sariling atin. Kaya
tayo ay maging matalino sa pagpiling mga pelikula at suportahan natin ang
sariling atin. Mabuhay ang Independent
at Mainstream film! Mabuhay ang pelikulang Pilino! J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento